Thursday, October 2, 2008
Ang "cupid" kong kaibigan (daw)
Meron akong isang kaibigan, na naging kaklase ko ng dalawang taon, na sinasabi niya na "cupid" daw siya. Pinagmamayabang pa nga niya ito sa akin. Pero malungkot sabihin ay akala niya lamang iyon. Siya kasi ay masyadong mapagtago sa kanyang mga ginagawa, kaya hindi namin alam ang kanyang mga sinasabi. Siya nga rin pala ay isang emo, kung nakita niyo siya sa isang gabing madilim. Sadyang weirdo rin ang kanyang "taste" pero siya ay malakas mangbara ng mga corny na tao at idol ko siya, pero nga lang ay weirdo siya...