Saturday, October 11, 2008
Friday, October 10, 2008
Thursday, October 9, 2008
walang kwentang araw
Napilitan lang pumasok dahil sa LT sa P6. Walang masyadong nangyari at sobrang boring ng araw...
Wednesday, October 8, 2008
Debate...
Sobra ring boring ng araw na ito, ngunit noong nagpunta kami sa front gazeebo ay naging masaya ito. Pinagdebatehan namin kung sino ang mga pinakamagandang babae sa aming "batch" at ni"rate" namin sila. Meyroong average people at ikinukumpara namin sila dito. Ito ay base sa aming barkada at pareho lang ang karamihan ng resulta sa mga lumabas sa ibang survey. Meyroon lang talagang isang taong nagpakumplika ng "ranking" at matagal naming pinagdebatehan ito key Gedrick at kakampi ko si Susme....
Tuesday, October 7, 2008
Ang magnanakaw sa front lobby
Nung kinagabihan ay meyroon kaming nakitang isang magnanakaw sa front lobby. Pumusisyon ang buong barkada upang manood sa kanyang estilo ng pagnanakaw. Dahil nawalang ng ipod at cell phone ang isa naming kaibigan ay nagsuspetcha kami dito sa batang ito. Binuksan ng batang ito ang aking bag at bawat ilang segundo ay lililngon siya upang siguraduhing walang nanonood. ngunit dahil sadyang magaling ang aming barkada at mey teknolohiya kami ay malapit na naming ma"bidyohan" ang batang ito at mahuli. Wala namang nawala sa aking bag at hindi na namin nakita ang batang ito sa front lobby matapos ang insidenteng ito...
Monday, October 6, 2008
Patangahan at patapangan na deal
Noong umaga ay kinulit ko si Susme. Pinilit ko siya na tanungin ang kanyang sinta sa prom ngunit sadyang matigas ang kanyang ulo at walang nangyari. Biglang dumating ang aking manyak na banal na kaibigan nagngagalang Gedrick at narining niya ang aking sinasabi key Susme. Bigla nalang namin naisip na kapag meyroon nagtanong sa aming barkada para sa prom ay susunod na lahat ng iba. Ito ay isang katangahan upang mapilitang maging matapang kaming mga tao upang makita kung sino ang mapapahiya at magiging masaya sa aming barkada. Ito naman na naaprubahan ng karamihan at sana ay matulungan kami ng aming "cupid" na kaibigan upang magkaroon ng date...
Sunday, October 5, 2008
bading na kaibigan (ayon sa mga tao)
Ayon sabarkada ay bading DAW si Macahig. Marami siyang sinasabing hindi nararapat na sinasabi ng isang tunay na lalake. Isang beses ay naghamon siya: "Ilabas mo nga ung sayo... Palakihan tayo..." na talangang pangbading (daw). Umabot na yata sa 80 ang mga kabadingan na kanyang sinabi kaya ewan. Pero mabait naman siya at isang medyo tahimik na tao at siya ay bastos din. Maliban sa mga kabadingan na kanyang sinasabi ay wala akong masasabing masama sa kanya at kung tutuusin ay isang mabait na kaibigan si "Nico"...
Subscribe to:
Posts (Atom)