Saturday, October 4, 2008
manyak na holy (daw) na kaibigan
Noong unang taon (1st Year) ay mey isang taong akala ko ay masama at mayabang. Galit ako sa kanya dahil parang ganun nga siya. Ngunit nang matapos ang unang taon, at naging pangalawang taon na kami ay naging masaya siyang kasama. Hindi ko alam na ibang-iba pala ang aking akala sa kanya. Ang bait pala niya (sa aming barkada) at bastos pala siya (kaya mabait siya para sakin). Walang "dull moment" tuwing kasama ko siya dahil talagang meron lagi siyang ginagawang kalokohan at katutuwaan (naming barkada) na talagang nagpapasaya ng aming araw/hapon. Pero kanyang dinidiin na banal daw siya, ngunit sa lahat ng kanyang mga ginagawa ay parang imposible na banal nga siya at kaya natatawa na lang kami tuwing sinasabi niya yun. Magaling nga rin pala siya sa soccer at gumagawa lagi siya ng mga kakaibang stunts na di kaya ng normal na tao...