Tuesday, October 7, 2008

Ang magnanakaw sa front lobby

Nung kinagabihan ay meyroon kaming nakitang isang magnanakaw sa front lobby. Pumusisyon ang buong barkada upang manood sa kanyang estilo ng pagnanakaw. Dahil nawalang ng ipod at cell phone ang isa naming kaibigan ay nagsuspetcha kami dito sa batang ito. Binuksan ng batang ito ang aking bag at bawat ilang segundo ay lililngon siya upang siguraduhing walang nanonood. ngunit dahil sadyang magaling ang aming barkada at mey teknolohiya kami ay malapit na naming ma"bidyohan" ang batang ito at mahuli. Wala namang nawala sa aking bag at hindi na namin nakita ang batang ito sa front lobby matapos ang insidenteng ito...